Art display sa National Museum ginawang stand ng camera ng guest
Kinondena ng National Museum of the Philippines (NMP) ang ginawa ng isa nilang guest na nag-rekord ng Tiktok video habang nasa loob ng museo.
Ginawa kasing stand ng cellphone ng naturang guest ang isang art display sa museo habang nire-rekord niya ang kaniyang video.
Pinaalalahanan ng National Museum sa lahat ng museum-goers na sumunod sa mga guidelines habang nasa loob ng National Museum.
Kabilang dito ang pag-respeto at pag-iingat sa lahat ng works of art at specimens na naka-display sa museo.
Sa video na ibinahagi ng netizen na si Rodney James De Guzman ay makikita ang isang museum visitor na nagti-tiktok.
Ayon kay Rodney may ang marble artwork na ginawang sandalan ng cellphone ay may nakasulat na “do not touch”.
Sa guidelines ng National Museum, pinapayagan ang pagkuha ng larawan sa loob ng mga museo basta’t hindi gagamit ng flash.
Bawal naman ang pag-rekord ng video.
Bawal ding hawakan ang mga painting, sculpture, at iba pang naka-display. (DDC)