Ping Remulla nagwagi sa idinaos na special congressional election sa Cavite

Ping Remulla nagwagi sa idinaos na special congressional election sa Cavite

Naiproklama na ng Commission on Elections (Comelec) si Crispin Diego “Ping” Remulla, anak ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla bilang kinatawan ng ikapitong distrito ng Cavite.

Ito ay matapos ang idinaos na special congressional elections ng Comelec para sa nasabing distrito ng lalawigan.

Si Remulla ay nasa ilalim ng National Unity Party at siya ang papalit sa nabakanteng puwesto ng kaniyang ama na ngayon ay nagsisilbi bilang justice secretary.

Tatlong iba pang kandidato ang tinalo ni Ping Remulla na nakakuha ng 98,474 votes ang tatlong iba pang kandidato.

Ayon sa Comelec, nakapagtala ng 42.11 percent na voter turnout sa isinagawang special elections.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, bagaman wala pa sa kalahati ang turnout ay ito na ang boses ng mga botante sa lugar. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *