CBCP nagpalabas ng dasal para sa idinaraos na Asian Synodal Continental Assembly

CBCP nagpalabas ng dasal para sa idinaraos na Asian Synodal Continental Assembly

Nagpalabas ng dasal ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa idinaraos na Asian Synodal Continental Assembly.

Ang nasabing pagtitipon na ginaganap sa Bangkok, Thailand ay nagsimula araw ng Biyernes, Feb. 24 at tatagal hanggang Feb. 27.

Ayon sa CBCP, ang “Panalangin para sa Pagtitipong Sinodal sa Kontinenteng Asya” ay dadasalin sa lahat ng misa simula sa unang Linggo ng Kuwaresma sa February 26.

Nagtipun-tipon ang mga kardinal, obispo, pari, women religious, lay men at lay women sa idinadaos na Asian Synodal Continental Assembly.

Ang mga delegado ay mula sa mga Asian Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) member countries gaya ng Cambodia, Laos, Indonesia, Pilipinas, Mongolia, Bangladesh, Malaysia, Brunei, Myanmar, Japan, Hong Kong, Taiwan, India, Timor-Leste, Pakistan, Korea, Sri Lanka, Thailand, Vietnam, Nepal, Kazakhstan, Macau, at Kyrgyzstan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *