DOLE nagpalabas ng pay rules para sa mga empleyadong pumasok sa trabaho ngayong araw (Feb. 24)
Naglabas ng pay rules ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa tamang pagpapasahod sa mga empleyadong pumasok sa trabaho ngayong Biyernes, Feb. 24, 2023.
Sa Labor Advisory No. 02, Series of 2023 ng DOLE, iiral ang sumusunod na rules for sa pagbabayad ng sweldo ng mga empleyado.
Kung hindi pumasok sa trabaho ngayong araw, iiral ang “no work, no pay” principle maliban na lamang kung mayroong company policy, practice, o collective bargaining agreement.
Sa mga empleyadong pumasok sa trabaho, makatatanggap sila ng dagdag na 30 percent ng kanilang basic wage para sa unang walong oras sa trabaho.
Kung natapat naman na rest day ng empleyado pero kailangan nitong pumasok sa trabaho, dagdag na 50 percent ng kaniyang basic wage ang dapat niyang matanggap.
Ang Feb. 24 ay deklaradong special non-working day bilang paggunita sa ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. (DDC)