Paglalagay ng ‘green lane’ sa mga tanggapan ng gobyerno inutos ni Pang. Marcos para makahikayat ng investors

Paglalagay ng ‘green lane’ sa mga tanggapan ng gobyerno inutos ni Pang. Marcos para makahikayat ng investors

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong “Marcos Jr. ang pagkakaroon ng ‘green lane’ sa mga tanggapan ng gobyerno.

Sa kaniyang Executive Order No. 18, pinatitiyak ng pangulo na ang regulatory environment ng bansa ay magiging daan para ma-promote ang Pilipinas bilang “top investment destination”.

Kailangan aniyang ang mga tanggapan ng gobyerno ay makahihikayat ng mga investors.

Nakasaad sa EO na bilang bahagi ng Eight-Point-Agenda ng administrasyong Marcos at sa pagpapatupad ng ease of doing business reforms, marapat lamang na magpatupad ng mga hakbang para na nakapagpapabilis sa mga transaksyon sa pamahalaan.

Sakop ng kautusan ang lahat ng national government agencies, mga regional at provincial offices, GOCCs, LGUs, at iba pa. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *