Mga hindi rehistrado at unnotified na modeling clay toys naglipana din sa online shopping sites – BAN Toxics

Mga hindi rehistrado at unnotified na modeling clay toys naglipana din sa online shopping sites – BAN Toxics

Naglipana pa rin sa mga online shopping platform ang mga modeling clay toys na hindi rehistrado at unnotified sa kabila ng inisyung warning ng Food and Drug Administration (FDA) laban sa nasabing mga produkto.

Sa isinagawang market monitoring ng BT Patrollers ng grupong BAN Toxics, daan-daang mga modeling clay toys ang nakitang iniaalok sa Shopee at Lazada.

Mayroon ding kahalintulad na produkto sa Facebook marketplace.

Kabilang sa mga naglipana sa online shopping sites ang KidArt Modeling Clay 12 colors Dinosaur Collection kids Clay Toy na una nang pinatawan ng ban ng FDA.
Furthermore, some product ads are falsely labelled as “Non-Toxic.”

Ayon kay Thony Dizon, Toxics Campaigner ng BAN Toxics, ang paglaganap ng naturang produkto sa merkado na hindi sumailalim sa health at safety standards ay maaaring may panganib na maidulot sa mga makabibili nito.

Noong February 21, nanawagan ang BAN Toxics sa FDA na i-ban ang mga unregistered at unnotified modeling clay toy binebenta sa Divisoria sa Maynila.

Ang nasabing mga produkto ay bigong makasunod sa requirements sa ilalim ng Republic Act No. 10620 o Toy and Game Safety Labeling Law.

“We call the attention of the Department of Trade and Industry to enforce strict compliance to all online shopping platforms to protect the health and welfare of the consumers from unregistered and unnotified toy and childcare articles (TCCA),” panawagan ng grupo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *