327,511 overseas Filipinos napauwi sa bansa noong taong 2020
Umabot sa 327,511 overseas Filipinos ang napauwi sa bansa sa nagdaang taong 2020.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa nasabing bilang, 231,537 o 70.7% ang land-based, habang 95,974 naman o 29.3% ay pawang seafarers.
Narito naman ang bilang ng mga umuwing OFs galing sa iba’t ibang mga bansa:
Middle East – 228,893 o 69.89%
Asia & the Pacific – 36,868 o 11.26%
Americas – 30,971 o 9.46%
Europe – 28,909 o 8.83%
Africa – 1,870 o 0.57%
Inumpisahan ng DFA ang repatriation process sa mga OFs simula pa noong February 2020 kung saan unang inilikas ang mga Pinoy mula sa Wuhan, China.
Noong Disyemre nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng repatriated overseas Filipinos na umabot sa 51,770. (D. Cargullo)