Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 6.4 na lindol
Tumama ang magnitude 6.4 na lindol sa lalawigan ng Davao Occidental.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 365 kilometers Southeast ng Sarangani Island, 4:02 ng umaga.
Ayon sa Phivolcs 139 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.
Naitala ang Intensity II sa Palimbang, Sultan Kudarat at Instrumental Intensity II sa Glan at Kiamba, Sarangani; Tupi, South Cotabato;
Intensity I sa Don Marcelino, Davao Occidental; Maitum at Malapatan, Sarangani; Koronadal City at General Santos City, South Cotabato.
Agad namang pinawi ng Phivolce ang pangamba na magdudulot ng tsunami ang lindol. (DDC)