143,961 na kilo ng recyclables sa Metro Manila nakolekta ng MMDA
Sa 42 na barangay na naikot ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Mobile Materials Recovery Facility sa buong Metro Manila, nasa kabuuang 143,961.85 na kilo ang nakolektang recyclables noong Disyembre 2022.
Umabot naman sa P678,401.16 na halaga ng mga goods at grocery items ang naipamahagi kapalit ng mga recyclables.
Isa ang MMRF sa proyektong isinusulong sa ilalim ng Metro Manila Flood Management Project Phase 1 kung saan bahagi ang MMDA.
Layunin ng proyektong ito na mabawasan ang pagbaha sa Metro Manila sa pamamagitan ng pagpapatupad ng iba’t ibang programa ukol sa solid waste management sa mga komunidad. (Bhelle Gamboa)