Dalawang restobar sa CDO City binisita ng Regulatory Compliance Board kasunod ng reklamo ng mga residente

Dalawang restobar sa CDO City binisita ng Regulatory Compliance Board kasunod ng reklamo ng mga residente

Nagsagawa ng inspeksyon ang Regulatory Compliance Board ng Cagayan de Oro City sa mga restobars sa lungsod.

Sa pag-iikot sa mga restobars sa Brgy. Carmen at Brgy. 30, hinikayat ni RCB Chairman Atty. Jose Edgardo ‘Egay’ Uy at Inspectorate Team Leader Antonio Resma Jr., ang operators ng dalawang restobars na may live bands na bawasan na ang ingay sa kanilang establisyimento pagsapit ng 10:00 ng gabi.

Partikular na kinausap ay ang pamunuan ng Kan-anan Busog Sarap sa Dabatian Street sa barangay Carmen, at Lokal Grill sa Corrales Avenue sa Barangay 30.

Kasunod ito ng reklamo mula sa mga residente sa lugar.

May umiiral na ordinansa sa CDO City kung saan ipinagbabawal na ang pagpapatugtog ng malalakas na musika at live bands mula 12 midnight hanggang 5:00 ng umaga maliban na lamang sa mga lugar na may soundproof.

Hiniling ng RCB sa mga operator ng bars, restobars, videoke, at kahalintulad na mga establisyimento na ikunsidera ang mga naninirahang residente sa lugar.  (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *