MMDA team ipinadala sa Davao City para magsagawa ng assessment sa traffic situation sa lungsod
Dumating sa Davao City ang delegasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para magsagawa ng assessment sa traffic situation sa lungsod.
Magsasagawa ang MMDA team ng five-day assessment sa traffic situation sa lungsod at magbibigay din ng technical assistance sa Davao City Traffic and Transport Management Office (CTTMO).
Ang magiging resulta ng assessment ng MMDA ang gagamiting basehan sa pagtatakda ng traffic management plan at capacity-building training course sa mga tauhan ng CTTMO.
Sa pagsasagwa ng training course ay inaasahang mas mapagbubuti pa ang traffic management system sa Davao City at mas maaayos ang day-to-day traffic conditions sa metropolitan Davao.
Ang five-day program na pangungunahan ng MMDA ay sesentro sa traffic engineering, traffic enforcement at traffic education. (DDC)