DPWH naglabas ng standard design sa solar-powered lights na ilalagay sa mga national road

DPWH naglabas ng standard design sa solar-powered lights na ilalagay sa mga national road

Naglabas ng guidelines ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagtatakda ng standard designs para sa mga solar-powered roadway lighting na ilalagay sa national roads.

Sa inilabas na Department Order ni DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, nag-isyu ang ahensya ng standard design drawings kasunod ng pag-apruba sa paggamit ng solar-powered street lights sa mga public works project.

Sinabi ni Bonoan na sa mga susunod na proyekto ng DPWH na mayroong street light components ay target nilang gumamit na ng solar-powered roadway lightings dahil mas matibay ito, mas mabilis ang installation, mas ligtas at mas matipid.

Sa technical requirements na inilatag sa Department Order nakasaad na dapat ang street lights ay uniform o pare-pareho at walang dark bands o abrupt variations; dapat ito ay may high pressure sodium (HPS) o light emitting diode (LED) lighting; ang color temperature ay dapat warm white o warm yellow at bawal ang paggamit ng ultraviolet light; dapat pwede sa outdoor use at rated bilang ingress protection (IP) 65 per International Electrotechnical Commission (IEC).

Sa mga primary national road, ang light arrangement ay dapat single, axial, opposite, o staggered; sa secondary roads naman pwedeng gumamit ng single, opposite, o staggered lighting arrangement; habang sa tertiary roads pwede ang single o staggered lighting arrangement.

Nagtakda din ng lamp wattage, mounting height, spacing, paggamit ng pole arms, at iba pang requirements sa ilalim ng inilabas na DO. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *