PBBM na-feature sa US game show na “Jeopardy” bilang presidente na may maraming foreign trips mula nang maupo sa pwesto

PBBM na-feature sa US game show na “Jeopardy” bilang presidente na may maraming foreign trips mula nang maupo sa pwesto

Na-feature sa popular na American game show na “Jeopardy” si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa latest episode ng “Jeopardy,” tinanong ang ang tatlong kalahok kung saang bansa nagmula ang isang presidente na mayroon nang maraming “foreign trips” mula nang siya ay maupo sa pwesto noong 2022.

Pinangalanan pang “Ferdinand Magellan Jr.” si Marcos sa nasabing katanungan bilang clue.

“In office from 2022, the president of this country has taken so many foreign trips a play on his name is ‘Ferdinand Magellan Jr.’, ayon sa tanong.

Ang kalahok na si Avi Gupta mula sa Standford Uniersity ang nakakuha ng tamang sagot na “Philippines”.

Mula nang maupo sa pwesto si Marcos ay nakapagbiyahe na sa Singapore, Belgium, Cambodia, China, Indonesia, Japan, Switzerland, Thailand, at United States. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *