Apat na police regional offices, nanguna sa Unit Performance Evaluation Rating ng PNP
Inilabas ng Philippine National Police (PNP) ang resulta ng “Unit Performance Evaluation Rating” (UPER) sa lahat ng 17 police regional offices sa buong bansa para sa taong 2022.
Ang Police Regional 4A o Calabarzon sa pamumuno ni Police Brigadier General Jose Melencio Nartatez ang nakapagtala ng may pinakamataas sa Unit Performance Evaluation Rating 2022 para sa buwan ng Marso na 94.86%, at sa buwan ng November (97.21%) at December (98.21).
Ang Police Regional Office Cordillera naman ay nakapagtala ng highest ratings sa buwan ng June (97.05%), July (96.53%), April (95.69%), at May (95.59%).
Habang ang, Police Regional Office 5 ay mayroong highest ratings para sa buwan ng October (96.42%), August (96.35%), January (95.68%), at February (95%).
Samantala ang Police Regional Office 4B ay mayroong highest ratings sa buwan ng July (96.53%) at September 2022 (96.50%).
Binati ni PNP Chief Police General Rodolfo S Azurin Jr., ang lahat ng Police Regional Offices na nanguna sa performance evaluation at hinikayat ang iba pa g rehiyon na mag-doble kayod pa upang makahabol at maitaas ang kanilang performance ratings.
Ang buwanang Unit Performance Evaluation Rating parameters ay kinabibilangan ng pagsukat sa pagpapatupad ng disiplina, law and order; recruitment and selection process; pagtiyak ng morale at welfare ng mga personnel; human resource actions sa placement at promotion; management ng personnel and records; and personnel plans at mga polisiya. (DDC)