Mga naapektuhan ng lindol sa Davao de Oro tumanggap ng cash assistance mula sa DSWD
Pinangunahan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol sa Davao de Oro.
Ayon kay Gatchalian, paunang tulong naman sa pagbangon ng mga naapektuhan ng lindol ang ibinigay na cash assistance ng ahensya.
Muli aniyang babalik ang DSWD para naman sa long term sustainable livelihood grants.
Isinagawa ang aktibidad sa munisipalidad ng Monkayo at Compostela.
Sa nasabing aktibidad, ipinagkaloob ni Gatchalian ang P3,000 na financial assistance sa 490 na pamilya sa Monkayo at 620 na pamilya sa Compostela.
Ito ay sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng ahensya. (DDC)