Libu-libong ibon, mahigit 700 sea lions nasawi sa Peru dahil sa Bird flu

Libu-libong ibon, mahigit 700 sea lions nasawi sa Peru dahil sa Bird flu

Umabot na sa mahigit 60,000 ibon na karamihan ay pelicans ang nasawi sa Peru matapos tamaan ng Bird Flu.

Unang nakapagtala ng kaso ng Bird Flu sa nasabing bansa noong Nobyembre.

Ayon sa datos ng National Service of Natural Protected Areas ng Peru, 63,000 na mga ibon na ang nasawi dahil sa H5N1 strain.

Sinabi naman ng National Forestry and Wildlife Service, na maliban sa ibon ay naapektuhan na din ng sakit ang mga mammals at nakapagtala na ng 716 na sea lions na nasawi.

Ayon sa World Organization for Animal Health, sa bunog mundo ay nakapagtala na ng 200 million na ibon ang nasawi o kaya naman ay isinailalim sa mass culling dahil sa Bird Flu. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *