Anim na tauhan ng BFP kasamang umakyat sa Mt. Mayon para marating ang crash site ng bumagsak na Cessna Plane
Anim na tauhan ng Bureau of Fire Proteciton-Special Rescue Force Canine Unit ang sumama sa mga mountaineern na umakyat sa Mt. Mayon para ituloy ang search and rescue operations sa bumagsak na Cessna Plane.
Ayon sa BFP, noong Martes (Feb. 21) umabot sa sampung oras ang pag-akyat sa Mt. Mayon.
Araw ng Miyerkules (Feb. 22) itinuloy ang pag-akyat kung saan inaasahang mas magiging mahirap ang sitwasyon dahil sa patarik na elevation ng bulkan.
Layon ng operasyon na marating ang crash site ng six-seater Cessna 340 aircraft na bumagsak sa slope ng bulkan. (DDC)