Pangulong Marcos nakiisa sa paggunita ng Ash Wednesday sa bansa
Nakikiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paggunita ng Ash Wednesday sa bansa.
“We pray for our nation’s quiet reflection this Ash Wednesday,” ayon sa pangulo.
Sa kaniyang tweet, sinabi ng pangulo na umaasa siyang sa pamamagitan ng pag-ibig ng Panginoon ay maipagpapatuloy ng mga Pilipino ang matapat na paglilingkod sa kapwa.
“As we prepare for the season of Lent, may the love of Christ inspire us to endure and faithfully continue our service to others,” dagdag ni Pangulong Marcos.
Samantala sa hiwalay na pahayag, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ang panahon ng Kuwaresma ay pagkakataon ito para magdasal at mag-ayuno bilang tanda ng pagkilala at pakikiisa sa sakrispisyo ni Hesukristo.
Ang Ash Wednesday ang pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma sa mga Katoliko.
Maagang dumagsa ang mga mananampalataya sa mga simbahan sa bansa para dumalo sa misa. (DDC)