P2.1M na halaga ng smuggled na sigarilyo nakumpiska ng Coast Guard sa Dipolog

P2.1M na halaga ng smuggled na sigarilyo nakumpiska ng Coast Guard sa Dipolog

Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard Station Zamboanga Del Norte ang mahigit P2 milyon halaga ng smuggled na sigarilyo sa Dipolog.

Ang mga sigarilyo ay itinago sa 32 bags ng Rice bran na namataan ng boarding team ng Coast Guard Sub-station Dipolog kasama ang CG K9 Unit, CG Intelligence Unit, at CG Special Operations Unit ng Zamboanga Del Norte sa Galas Feeder Port, Dipolog City.

Ang mga nakumpiskang sigarilyo ay iba’t ibang mga brand gaya ng Berlin Red, 2m Red, 2m Black, Canon, Fort, at
Champion.

Kinumpiska din ang 32 bags ng Rice Bran at ang ginamit na Isuzu Van.

Kabuuang P2,193,600 ang halaga ng mga nakumpiskang kontrabando.

Dinala na sa Bureau of Customs ang mga nakumpiskang produkto para sa pagsasampa ng karampatang kaso. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *