NCRPO binilisan ang pagresolba sa admin cases ng Metro cops na nasa ilalim ng Restrictive Custody
Sa pinaigting na implementasyon ng Internal Cleansing Program ng Philippine National Police kontra korapsyon sa PNP system at pagtanggal sa lahat ng tiwaling pulis at scalawags, iniulat ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director, Major General Jonnel Estomo ang estado ng mga kaso ng NCRPO personnel na nasa ilalim ng restrictive custody.
Ayon sa datos mula 2019 hanggang 2022 na aabot sa 72 na tauhan ang isinailalim sa restrictive custody dahil sa nakabinbin na grave administrative o criminal charges na isinampa laban sa kanila.
Sa imbestigasyon at beripikasyon, nasa 47 personnel ang walang were record ng admin cases at hindi sangkot sa alin mang kasong isinampa sa kanila at kaagad silang pinabalik sa dati nilang units upang bumalik sa kanilang tungkulin.
Sa natitirang 25 personnel, apat ang nadismis mula sa serbisyo dahil sa Grave Misconduct at Conduct Unbecoming of a Police Officer para sa paglabag sa RA 9165, RA 10591, RA 7610, at Acts of Lasciviousness.
Samantala isa pang pulis ang na-terminate sa serbisyo dahil sa paglabag sa Honor Code for alleged misappropriation of class funds at alteration of documents.
Habang tatlo ang na-demote o dahil sa extortion/ pagtanggap ng drug payroll money.
Sinuspinde naman ang dalawang pulis sa loob ng 59 na araw dahil sa grave misconduct para sa illegal discharge of firearms, maltreatment, at less grave misconduct sa paglabag naman sa RA 11332 at disobedience.
Lima pang tauhan ang suspendido ng 60-araw dahil sa Conduct of Unbecoming of a Police Officer nang mahulihan ng alak at sigarilyo at paglabag sa RA 3019.
Tatlo pa ang nasuspinde ng 180-days dahil sa Conduct Unbecoming of a Police Officer para sa extortion at illegal discharge of firearms.
Anim na iba pa ang pinawalang-sala sa Conduct Unbecoming Police Officer para sa naharang na alak at sigarilyo, at robbery extortion.
Mayroon pang isang pulis na nakabinbin ang estado at nasa ilalim pa ng review para sa simpleng kawalan ng katapatan.
“We have stepped up our efforts to cleanse the rank of NCRPO as part of our commitment in improving the level of discipline, competence, and effectiveness of our personnel. Binigyang diin natin ang proseso sa paglilinis ng ating hanay. Pinabalik na natin sa kani-kanilang units upang magtrabaho muli ang mga napatunayan nating mga walang kasalanan at pinapanagot naman natin ang mga napatunayang nagkasala,” ani Estomo.
“The road to internal cleansing might be long but with the assistance and support of everyone, the internal cleansing effort of the NCRPO will not be in vain,” dugtong ng NCRPO chief. (Bhelle Gamboa)