Dalawa pang batalyon ng mga sundalo idinagdag ng Philippine Army sa Eastern Visayas
Nag-deploy ng dagdag na dalawang batalyon ng mga sundalo ang Philippine Army sa Eastern Visayas para palakasin ang Anti-Insurgency Campaign sa rehiyon.
Dumating ang mga tauhan ng 74th Infantry “Unbeatable” Battalion and 42 Infantry “Tagapagtanggol” Battalion sa Government Center, sa Palo, Leyte.
Ayon sa 8th Infantry “Stormtroopers” Division (8ID) ng Philippine Army, ang mga bagong dating na sundalo ay itatalaga sa operational control ng Joint Task Force-Storm (JTF-Storm) .
Bago ang kanilang deployment sa Eastern Visayas ang 74IB ay malaki ang ginampanan sa paglaban sa mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Basilan Province.
Habang ang 42IB naman ay naging aktibo sa mga opensiba laban sa Communist Party of the
Philippines – New People’s Army sa Quezon at Bicol area.
Ayon kay 8th Infantry Division commander, Major General Camilo Ligayo mas lalo pang mapapalakas ang kampanya laban sa mga nalalabing rebelde sa rehiyon sa pagdating ng dalawang dagdag na batalyon ng mga sundalo. (DDC)