2 sundalo na tumutulong sa rescue operations sa nawawalang Cessna Plane sa Albay patay matapos tambangan mga terorista

2 sundalo na tumutulong sa rescue operations sa nawawalang Cessna Plane sa Albay patay matapos tambangan mga terorista

Dalawang sundalo ang nasawi makaraang tambangan ng mga miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Barangay Cotmon, bayan ng Camalig sa lalawigan ng Albay.

Nangyari ang insidente habang namamalengke sina Pvt John Paul C. Adalim at Pvt Mark June D. Esico para mamili ng suplay na kanilang kailangan sa nagpapatuloy na rescue operations sa nawawalang Cessna Plane sa lalawigan.

Kapwa nagtamo ng matinding tama ng bala sa kanilang katawan ang dalawa ng tambangan ng mga rebelde na naging sanhi ng kanilang agarang pagkamatay.

Nabatid na limang armadong kalalakihan ang nag-abang sa dalawa kung saan tatlo rito ang walang habas na namaril sa mga biktima.

Kinondena naman ni Barangay Chairman Dennise Misolania ang nasabing insidente at tiniyak ang pakikipagtulungan sa imbestigasyon ng otoridad.

Samantala, itinuturing ni Major General Adonis Bajao, Commander ng 9th Infantry (Spear) Division at Joint Task Force Bicolandia (JTFB) na desperado na ang CTG dahil sa sunud-sunod na accomplishments ng 9ID sa Bikol laban sa kanila. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *