1 Chinese, 1 Pinoy huli ng PDEA; P204M na halaga ng shabu nakumpiska
Arestado ang isang Chinese national at isang Pinoy sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Brgy. Pampang, Angeles City, Pampanga.
Kinilala ni Director III Emerson Rosales, Regional Director ng PDEA RO-NCR ang mga naarestong suspek na sina Mark June Barsaga, 23-anyos residente ng Lucena, Quezon; at s Yi Xin Li, Chinese National, 48-anyos na taga-Tondo, Manila.
Inaresto ang dalawa matapos maging matagumpay ang pakikipag-transaksyon sa mga undercover PDEA Agents.
Nakumpiska sa ikinasang entrapment operation ang mga Chinese labeled tea bags na naglalaman ng hinihinalang shabu na aabot sa 30 kilo ang bigat at mayroong standard drug price na P204 million.
Nakumpiska din ang isang cellular phone, isang Toyota Avanza, mga ID at buy-bust money.
MInihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek. (DDC)