Pamantayan sa pagpili ng pinakamahusay na lupon sa mga barangay mas pinahigpit ng DILG

Pamantayan sa pagpili ng pinakamahusay na lupon sa mga barangay mas pinahigpit ng DILG

Mas hinigpitan pa ang assessment criteria na kailangang malagpasan at maipasa ng mga Lupong Tagapamayapa (LT) sa mahigit 42,000 barangay sa bansa.

Ang assessment ay kailangang malampasan bago makuha ang 2023 Lupong Tagapamayapa Incentive Awards (LTIA) ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos, Jr.

“We are jumpstarting LTIA 2023 with an enhanced criteria and guidelines to elevate the performance of LTs in the barangay. Hangad namin na mas palakasin ang mga LT tungo sa mas maayos na pagtataguyod ng Katarungang Pambarangay (KP) sa mga pamayanan,” ani Abalos.

Ani Abalos, ang mga Lupong Tagapamayapa ang nagsisilbing frontliners sa pagpapanatili ng peace and order sa mga barangagy.

Ang LTIA ay ang taunang pagkilala sa mga natatanging lupon na kinabibilangan ng Punong Barangay at ng sampu hanggang dalawampung miyembro na inatasan para lumutas ng mga kasong isinangguni sa kanila at ipatupad at ipalaganap ang KP sa kanilang lugar.

Ayon kay Abalos, napapanahon ang pag-update sa assessment criteria ng LTIA upang matiyak ang lalo pang pagbilis ng pagresolba ng mga idinudulog na kaso sa LT ng mga barangay. Dagdag pa niya, taong 2016 pa huling na-amyendahan ang polisiya sa paggagawad ng LTIA.

Sa pamamagitan ng DILG Memorandum Circular (MC) No. 2023-022, ipinahayag ni Abalos na isa sa mga pagbabago sa guidelines ng LTIA ay ang mas malaking puntos sa criteria ng settlement and award period, kung saan hindi bababa sa sampu ang kailangang ma-file sa Lupon at malutas na kaso sa pamamagitan ng mediation, conciliation at arbitration sa loob ng nakatakdang panahon.

Ilan pa sa mga mahahalagang pagbabago sa criteria ay ang pag-record ng mga kaso kung saan ay dapat na computer database at may searchable case information para sa mga lungsod at manual records at digital record filing naman sa mga munisipalidad sa ilalim ng criteria na systematic maintenance of records.

Ani Abalos, kailangan ring dumalo ang mga LT sa organized skills training, seminars, exchange visits na pinangunahan ng kanilang barangay para mas hubugin ang kanilang kaalaman at kasanayan sa KP. Dagdag pa dito, kailangang magsumite ang Lupon ng kopya ng settlement o ng arbitration award sa Korte sa nakatakdang oras.

Makakatanggap ng cash incentive hanggang 300,000 pesos at trophy o plaque of recognition ang mga Lupon na idedeklarang national winners at runners-up ng LTIA. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *