LPA, Shear Line magpapaulan sa bahagi ng Luzon at Visayas

LPA, Shear Line magpapaulan sa bahagi ng Luzon at Visayas

Magdudulot ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 195 kilometers North ng Legazpi City, Albay o sa layong 210 kilometers East ng Infanta, Quezon.

Sa weather forecast ng PAGASA ang LPA ay magdudulot ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Bicol Region, Mainland Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, at Northern Samar.

Maulap na papawirin na may pag-ulan din ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at sa Ilocos Norte dahil sa Amihan.

LPA naman at localized thunderstorm ang iiral sa Mindanao, nalalabing bahagi ng Visayas at MIMAROPA.

Habang sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon, ay bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan ang mararanasan dahil sa Amihan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *