Publiko pinag-iingat sa poser account ni Mayor Belmonte sa FB
Pinaalalahanan ng Quezon City local government ang publiko sa poser account ni Mayor Joy Belmonte sa Facebook.
Ayon sa QC LGU, ginagamit ang poser account para makapanloko ng publiko.
Ang poser account ay mayroong Facebook name na “Joy Alimurung Belmonte”.
Paalala ng QC LGU, kung kailangang makipag-usap sa lokal na pamahalaan, tumawag lamang sa HELPLINE 122 o makipag-ugnayan sa mga district officer at coordinator. (DDC)