Cessna Plane na nawala sa Albay pinaniniwalaang bumagsak malapit sa crater ng Bulkang Mayon
Malapit sa crater ng Bulkang Mayon pinaniniwalaang bumagsak ang nawawalang Cessna Plane sa Albay.
Ayon kay Camalig, Albay Mayor Carlos Baldo, natagpuan na ang wreckage ng Cessna 340A makalipas ang 32-oras mula nang iniulat ang pagkawala nito.
Ani Baldo, nakita ang aircraft sa itaas na bahagi ng Brgy. Quirangay, sa Anoling gulley.
Makikipag-ugnayan na aniya ang kanilang search and retrieval team sa PHIVOLCS lalo at may banta ang paglapit sa crater ng Mt. Mayon na ngayon ay nasa Alert Level 2 status.
Tiniyak naman ni Baldo na magpapatuloy ang search and rescue operations.
Bagaman nakita na ang wreckage ng eroplano ay hindi pa natatagpuan ang mga sakay nito na sina Capt. Rufino James T. Crisostomo Jr. (piloto), Joel G. Martin (crew), at dalawang Australian passengers na sina Simon Chipperfield at Karthi Santanan. (DDC)