Pagkaltas sa sweldo ng mga empleyado ng gobyerno para sa relief fund sa Turkey at Syria quake, itinanggi ng Malakanyang
Peke ang kumakalat na memorandum circular na nagsasaad ng umano ay pagkaltas sa sweldo ng mga kawani ng gobyerno para makalikom ng relief fund na ipangtutulong sa mga naapektuhan ng lindol sa Turkey at Syria.
Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil, peke ang nasabing dokumento.
Nakikipag-ugnayann a aniya sa mga otoridad ang tanggapan ni Executive Secretary Lucas Bersamin hinggil sa nasabing isyu.
Ang pekeng dokumento ay nagtataglay ng pirma ng executive secretary.
Nakasaad sa dokumento na magkakaroon ng dalawang araw na salary deduction ang mga empleyado ng gobyerno para mapondohan ang “Relief Fund” sa mga biktima ng lindol. (DDC)