Pasay LGU tumanggap ng Magiting na Lingkod Award mula sa IACT

Pasay LGU tumanggap ng Magiting na Lingkod Award mula sa IACT

Kinilala ng Inter-Agency Council for Traffic (IACT) ang Pasay City Government dahil sa pagtiyak sa kaligtasan at seguridad ng mga gumagamit ng kalsada sa kasagsagan ng pandemyang COVID-19 sa bansa.

Pormal na iniabot ni IACT chief Charlie Apolinario Del Rosario ang parangal sa Chief of Staff ni City Mayor Emi Calixto-Rubiano na si Peter Eric Pardo, sa MAAX Auditorium, SM Mall of Asia Complex nitong Pebrero 13.

Nagpasalamat si Pardo sa ibinigay na pagkilala ng IACT at sinabing ang Pasay LGU sa pamamagitan ng pamamahala ni Mayor Rubiano ay ginamit ang lahat resources upang tulungan ang mga pasahero at mga gumagamit ng kalsada sa kasagsagan ng mga lockdown at restriksiyon sa pandemya.

Partikular na kinilala ng IACT ang katapangan ng mga operatiba at pinagkakatiwalaang partner sectors sa national government at ng Department of Transportation (DOTr) na nagpamalas ng kabayanihan sa pagsasagip ng buhay, nagpanatili ng seguridad at naging tapat sa tungkulin.

Ipinabatid naman ni Pardo ang mensahe ng alkalde para sa mga kababayan nito at mga opisyal ng lungsod magmila sa barangay hanggang sa pinakamataas na posisyon na nag-ambag bg ng kanilang oras,pagod at dedikasyon noong panahon na hirap at lugmok sa pandemya.

“We should keep moving forward and towards our everyday goals. All of us made a big part of something larger than ourselves. We did not let the global pandemic stop us. Through your dedication, perseverance, strong presence, and resilience, this recognition showed our unity and kind-hearted citizens of our beloved city,” sabi ni Rubiano.

Iginawad ng IACT sa Pasay City ang Magiting na Lingkod Award para sa hindi matatawarang pagganap at napakahalagang kontribusyon nito noong kasagsagan ng Covid-19 pandemic upang siguruhin ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng gumagamit ng kalsada.

Sa kolaborasyon ng SM Cares, ang IATF awarding ay dinaluhan ng higit 150 DOTr staff at leaders, local government units (LGUs), at mga partner mula sa pribadong institusyon.

Bukod kay Pardo, kasama bilang kinatawan ng alkalde sa awarding sina RR Salvador ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO); Art Fortaleza, hepe ng Pasay Traffic and Parking Management Office (PTPMO); at Ace Sevilla ng Tricycle and Pedicab Franchise Regulatory Office (TPFRO). (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *