LPA sa Surigao magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa
Makararanas ng pag-ulan ngayong araw ang malaking bahagi ng bansa dahil sa Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA.
Ang LPA ay huling namataan sa layong 195 kilometers Northreast ng Surigao City, Surigao del Norte o sa layong 160 kilometers east ng Tacloban City, Leyte.
Ayon sa PAGASA, ang LPA ay magdudulot ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Bicol Region, Quezon, Romblon, at Marinduque.
Maulap na papawirin din na may pag-ulan ang iiral sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Aurora.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na may isolated na pag-ulan ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Midnanao at sa nalalabing bahagi ng MIMAROPA.
Habang bahagyang maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan ang iiral sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon. (DDC)