Radyo Agila DZEC, number 1 na sa hapon ayon sa survey ng Nielsen

Radyo Agila DZEC, number 1 na sa hapon ayon sa survey ng Nielsen

Top-rated AM Radio Station sa Mega Manila ang Radyo Agila DZEC 1062khz para sa mga programa nito sa afternoon block at sa ilan nitong mga programa sa weekend.

Ito ay base sa Nielsen survey na ginawa noong January 2023.

Kabilang sa mga nangunang programa sa afternoon block ng DZEC ay ang pogramang “Serbisyo Agila” na isang public service program ni Glen Gatos, mula 3:00PM hanggang 4:00PM.

Kasunod ang “Eagle in Action”, mula 3PM hanggang 4PM ni Allan Hobrero; na sindundan naman ng progarmang “Siyento Porsiyento”, matalas at masayang programang pambalitaan mula 4:00PM hanggang 5:00PM hosted by Gen Subadiagam; programang “Bantay Lansangan” na tumatalakay sa air, sea, at land travel, hosted by Glen Gatus and Ariel Fernandez mula 5:00PM to 6:00PM.

Sa weekend naman ay nanguna rin sa ratings ang ilang programa ng Radyo Agila DZEC 1062khz.
Top rated ang programa tuwing Sabado na “Edu Aksyon”, hosted by Laila Tumanan mula 11:00AM hanggang 12:00NN; gayundin ang kasunod nitong programa na “Radyo Agila sa Amerika”, hosted by Don Orozco, mula 12:00NN hanggang 1:00PM; kasunod ang programang “Gitara” mula 1:00PM hanggang 1:30PM.

Maging sa araw ng Linggo ay naging top rated pa rin ang “Gitara” mula 10:00AM hanggang 11:00AM, at number 1 rin sa ratings ang “Kantahanan Na”, mula alas 12:00 hanggang ala 1:00 ng hapon.

Nagpasalamat naman sa mga radio listener ang station manager ng Radyo Agila DZEC 1062khz na si Nelson Lubao dahil sa kanilang pagtangkilik at pagtitiwala sa himpilan.
Umaasa si Lubao na lalo pang lalakas ang DZEC sa pagpasok ng mga bago pang programa ngayong 2023, isa na rito ang “Love and Everythaaang” ni Love Anover tuwing 11:00AM na nagsimula noong Pebrero 13 at sabayang napapanood sa Net25.

Hindi rin aniya malayong makakuha ng magandang ratings ang mga programa ng DZEC sa morning block dahil sa mga powerhouse programs nito mula sa programa ng beteranong broadcaster na si Rey Langit na “Kasangga Mo Ang Langit” tuwing 6:00AM hanggang 8:00AM, na sinusundan ng mga TVRadyo programs ng Net25 at DZEC tulad ng “ASPN – Ano Sa Palagay Nyo” nina Ali Sotto at Pat Daz na sinundan pa ng nakakaaliw na mga punto at komentaryo nina Nelson Lubao at Gen Subardiaga sa programang “Sa Ganang Mamamayan” tuwing 10:00 AM.

Una nang napabilang ang Radyo Agila DZEC sa top 3 AM radio stations sa Mega Manila para sa buong taon ng 2022. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *