P1.028M na smuggled na sigarilyo nakumpiska sa Port of Cebu
Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang kahon-kahong mga smuggled na sigarilyo sa Port of Cebu.
Ayon sa BOC, tinatayang 1,025 reams ng smuggled na sigarilyo na aabot sa P1.028 million ang nakumpiska lulan ng isang ferry na nakadaong sa “MalacaƱang sa Sugbo”, Pier 1, Cebu City.
Sa rekord ng Philippine Coast Guard (PCG) base sa cargo manifest ng ferry, ang mga kahon ay naglalaman ng talong.
Nang isailalim sa inspeksyon ang limang balikbayan boxes, natuklasan ang mga rim ng sigarilyo na may brand na Vess at Warrior inside five balikbayan boxes.
Agad nagpalabas ng Warrant of Seizure and Detention si District Collector Atty. Elvira Cruz sa mga kontrabando dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). (DDC)