PANOORIN: Vietnamese fishing vessel namataan sa Recto Bank, itinaboy ng Coast Guard

PANOORIN: Vietnamese fishing vessel namataan sa Recto Bank, itinaboy ng Coast Guard

Isang Vietnamese fishing vessel ang itinaboy ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos mamataan sa karagatang sakop ng Recto Bank na nagsasagawa ng fishing operations.

Ang barko ng Vietnam ay namataan ng BRP TERESA MAGBANUA na idineploy sa Kalayaan Island Group (KIG) sa layong palakasin ang presensya ng PCG sa West Philippine Sea base sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Niradyohan ng Coast Guard ang barko ng Vietnam at inatasang umalis sa Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ).

Nag-deploy din ang PCG ng Rigid-hull Inflatable Boats (RHIBs) para magsagawa ng boarding at inspection sa bangka.

Nang makitang papalapit na ang inflatable boat ng PCG ay nagkusa nang umalis sa Recto Bank ang mga mangingisdang Vietnamese.

Sa isinagawang pagpapatrulya sa lugar ng BRP Teresa Magbanua, pinaalalahanan ang mga mangingisdang Pinoy na agad humingi ng tulong sa mga otoridad kapag nakaranas sila ng problema habang nangingisda.

Ayon sa PCG sa kabila ng mga hamon at delikadong sitwasyon ay magpapatuloy ito sa pagpatrolya at pagbibigay proteksyon sa mga mangingisdang Pinoy sa West Philippine Sea. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *