Disaster Preparedness Training Center, itatayo ng MMDA

Disaster Preparedness Training Center, itatayo ng MMDA

Magtatayo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng kanyang Disaster Preparedness Training Center sa Carmona, Cavite na planong buksan din ng ahensya ngayong taon.

Ito ay bilang bahagi ng ahensya sa paghahanda sa tinaguriang ‘The Big One’ o malakas na lindol na posibleng tumama sa Metro Manila.

Sa idinaos na pulong-balitaan sa Makati City,aminado si MMDA Chairman Atty. Romando Artes na hindi biro ang maaaring pagtama ng isang malakas na lindol kaya dapat na paghandaan ng mga residente sa rehiyon.

Aniya, base sa pag-aaral ay nasa 35,000 na tao ang posibleng mamatay sa NCR, 120,000 ang masusugatan o masasaktan at 170,000 hanggang 350,000 na mga istruktura ang maaari namang babagsak o guguho.

Ayon kay Atty. Artes na aabutin ng P25 milyong piso ang naturang proyekto hindi pa kasama rito ang equipment na gagamitin sa training.

Kabilang sa itatayong training center ang rappelling tower,confined space structure,wrecked building at pancake collapsed building.

Inihayag pa ng MMDA chief na sasagutin ng ahensya ang training sa NCR LGUs at magkakaroon na lamang aniya ng kaukulang charges sa mga lokal na pamahalaan sa labas ng Metro Manila.

Katuwang ng MMDA sa pagtuturo sa training centers ang Bureau of Fire Protection (BFP) kung saan uunahin muna nilang sasanayin ang mga Metro Manila LGUs bago isunod ang ibang lalawigan.

Layunin nitong dumami ang mga trained rescuers na agad reresponde sa panahon ng kalamidad at sakuna upang mabawasan ang pagkawala ng maraming buhay. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *