Mahigit 600 kilo ng pork chorizo na peke ang dokumento nakumpiska sa Port of Surigao

Mahigit 600 kilo ng pork chorizo na peke ang dokumento nakumpiska sa Port of Surigao

Nakumpiska ng mga otoridad ang halos 600 kilo ng Pork Chorizo na walang karampatang dokumento sa Port of Surigao.

Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA) tinatayang aabot sa P100,000 ang halaga nito.

Kinumpiska ang produkto ng mga tauhan ng Surigao Port Police officers at K-9 Dogs sa Port of Surigao matapos mapag-alamang peke ang dokumento ng mga ito.

Ayon kay Port Police Corporal Donking Gonzalez, kasama ang mga taga-Bureau of Animal Industry (BAI) Veterinary Agents sa pangunguna ni Paz Lanzilay, ay nakumpiska ang chorizo pork lulan ng isang cargo truck.

Halos isang linggo din minanmanan ng PPA Port Police at BAI ang mga animal shipments matapos itong makatanggap ng impormasyon na mayroon pa ring iilang mga tao ang nagbibiyahe ng ilegal na produktong karne sa iba’t ibang lugar sa Northern Mindanao.

Agaran namang ibinalik ng BAI ang nasabat na chorizo sa Cebu City alinsunod sa mga polisiya sa entry of livestock and poultry upang maiwasan ang pagkaroon ng nakakahawang animal diseases sa lugar. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *