Kalinga Province nakapagtala ng 2 rekord sa Guinness para sa Largest Gong Ensemble’ at ‘Largest Banga Dance’
Dalawang rekord sa Guinness ang nakuha ng lalawigan ng Kalinga sa idinaos na “Call of a Thousand Gongs, Dance of a Thousand Pots”.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan ng Kalinga, inanunsiyo ni Guinness World Records official adjudicator Kazuyoshi Kirimura ang makasaysayang titulo Miyerkules ng gabi.
Iginawad ng Guinness sa Kalinga Province ang titulo para sa “Largest Gong Ensemble” at “Largest Banga Dance”.
Nasa 3,440 na male gong players at 4,681 women banga dancers ng lalawigan ang nakiisa sa aktibidad na idinaos sa Kalinga Sports Complex.
Kasama sa criteria na itinakda ng Guinness World Records ay ang pagkakaroon ng clean execution at synchronicity.
Ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng Kalinga na makamit ang nasabing rekord sa matapos ang unang pagtatangka noong taong 2018 para sa largest gong group.
Nagpasalamat ang pamahalaang panlalawigan sa lahat ng nakilahok sa aktibidad. (DDC)