Mga pasyente sa Masbate Provincial Hospital at kanilang mga bantay inilikas matapos tumama ang magnitude 6.0 na lindol
Halos 200 katao ang inilikas sa Masbate Provincial Hospital matapos ang pagtama ng magnitude 6.0 na lindol sa lalawigan.
Ang halos 200 ay binubuo ng mga pasyente at kanilang mga bantay.
Nagtayo ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Masbate ng limang tent sa labas ng ospital kung saan pansamantalang nananatili ang mga pasyente at kanilang mga bantay.
Nagpapatuloy ang ginagawang assessment sa gusali ng ospital.
Habang hindi natitiyak na ligtas ito matapos ang tumamang lindol ay mananatili muna sa labas ang mga pasyente at kanilang bantay. (DDC)