Magnitude 6.0 na lindol tumama sa Masbate
Niyanig ng mas malakas pang lindol ang mga lalawigan sa Bicol Region kaninang madaling araw.
Sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs naitala ang magnitude 6 na lindol sa Batuan Masbate 2:10 ng madaling araw ng Huwebes, Feb. 16.
May lalim na kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity VII
– City of Masbate, Masbate
Intensity V
– Dimasalang, San Fernando, and Uson, Masbate
Intensity IV
– City of Legazpi, Albay; Aroroy, Cataingan, Esperanza, Milagros, and Pio V. Corpuz, Masbate; Irosin, at sa City of Sorsogon, Sorsogon
Intensity III
– Daraga, Albay
Agad nagsagawa ng Rapid Damage Assessement ang Office of the Civil Defense Region 5 sa mga lugar na tinamaan ng pagyanig.
Kahapon ng hapon una nang nakapagtala g magnitude 5 na lindol sa Masbate. (DDC)