85 magsasaka sa Negros Occidental napagkalooban ng lupang sakahan
Aabot sa 85 magsasaka sa Negros Occidental ang nabigyan ng lupang sakahan sa ilalim ng pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Law.
Nasa 46.44 ektarya ng agricultural lands ang kabuuang naibigay ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa mga benepisyaryo na makatutulong sa kanilang kabuhayan at food security agenda ng probinsya.
Ayon kay Atty. Shiela Enciso, Western Visayas Regional Director ng DAR, ang aktibidad ay batay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay DAR Secretary Conrado Estrella III, na paunlarin ang pamumuhay ng mga agrarian reform ARB.
Ani Enciso 33 ARBs mula Victorias City ang tumanggap ng 27.66 ektarya na lupain sa Barangay VIII.
Habang ang 18.78 ektarya na dating pagmamay-ari ng Siacor Agricultural Corp., na matatagpuan sa Barangay Magticol sa bayan ng Toboso, ay ipinamahagi sa 52 ARBs.
Ipinalala ni Enciso sa mga ARB ang kanilang obligasyon sa pamahalaan bilang mga bagong nagmamay-ari ng lupa na bayaran ang kanilang mga buwis sa lupa at gawing produktibo ang kanilang lupain. (DDC)