4,889 active 4Ps beneficiaries sa Dagupan City inaasahang madaragdagan pa
Patuloy ang validation process ng Department of Soial Welfare and Development (DSWD) para sa mga potential beneficiaries ng 4Ps sa Dagupan.
Ito ay pinapangunahan ng DSWD Field Office 1 –4Ps Regional Program Management Office, katuwang ang lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Belen Fernandez at City Social Welfare and Development Office.
Sa kasalukuyan, may 4,889 active 4Ps beneficiaries ang siyudad na inaasahang madaragdagan pa sa pamamagitan ng masusing validation at assessment upang masigurong karapat-dapat ang mga mapapabilang sa 4Ps.
Sa sandaling matapos ang pag-validate, ilalabas ang listahan ng mga 4Ps beneficiaries. (DDC)