Kahandaan ng gobyerno sa “The Big One” nais matiyak ni Speaker Rmualdez

Kahandaan ng gobyerno sa “The Big One” nais matiyak ni Speaker Rmualdez

Inihayag ni House Speaker Martin Romualdez na mahalagang matiyak ang kahandaan ng pamahalaan, lalo na ang mga firts responders, sakaling tumama ang malakas na lindol o tinatawag na “The Big One” sa bansa, lalo na sa National Capital Region (NCR).

Una nang nagbabala ang mga eksperto na maaaring libu-libo ang magiging biktima ng nasabing lindol, tulad ng nangyari sa Turkey at Syria, kung walang paghahanda ang bawat isa.

Dahil dito, sinabi ng House Speaker na, dapat malaman kung gaano ba kahanda ang bansa sa sakaling magkaroon ng ganitong sitwasyon.
Noong tumama aniya ang bagyong Yolanda sa Leyte, mismong ang mga first-responders ay naging biktima din ng bagyo.

Kabilang sa dapat matukoy ani Romualdez ay kung mayroon bang sapat na kagamitan ang bansa, may sapat ng food packs sa libu-libong maaaring maapektuhan ng lindol.

Noong Lunes, dumating si Turkey Ambassador Niyazi Aykol sa Kongreso para tanggapin ang $100,000 na personal donation ni Romualdez para sa mga biktima ng lindol sa Turkey.

Sinabi ni Ambassador Aykol kay Romualdez na 20 taon na nilang alam na tatama ang isang malakas na lindol pero hindi nila inakala na gganoon kalakas.

Ani Romualdez dapat malaman kung gaano kalakas na lindol o intensity ang kakayanin ng National Capital Region (NCR) at ilan ang projected casualties.

Balak ng house speaker na ipatawag ang lahat ng disaster agencies at first responder units para malaman kung may operational plan o ‘Oplan’ na ang pamahalaan.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *