Promosyon ng sampung opisyal ng Coast Guard inaprubahan ni Pangulong Marcos
Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang promosyon ng sampung opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG).
Inilabas ng Presidential Communications Office (PCO) ang listah ng mga opisyal ng PCG na na-promote bilang vice admiral at rear admiral.
Kabilang sa na-promote sina Rear Admirals Joseph Coyme, Robert Patrimonio at Ronnie Gil Gavan na ngayon ay may ranggo nang Vice Admiral.
Ito ang ikalawang pinakamataas na ranggo sa PCG commissioned officers.
Si Coyme ay kasalukuyang commander ng Maritime Safety Services Command ng PCG habang si Patrimonio ang pinuno ng Marine Environmental Protection Command.
Si Gavan naman ang Deputy Commandant for Administration ng PCG.
Samantala, sina Commodores Gregorio Adel Jr., Eustacio Nimrod Enriquez Jr., Edgardo Hernando, Armando Balilo, Hostillo Arturo Cornelio, at Rudyard Somera ay promoted bilang rear admirals. (DDC)