Fixed broadband internet sa bansa bumilis pa noong nakaraang buwan ng Enero
Lalo pang bumilis ang fixed broadband internet sa bansa noong nakaraang buwan ng Enero.
Sa ulat ng Ookla Speedtest Global Index nakapagtala ng pagtaas sa fixed broadband download speed sa bansa noong nakaraang buwan.
Ang fixed broadband median speed sa bansa ay tumaas sa 88.13Mbps mula sa 87.13Mbps noong Disyembre 2022.
Kumakatawan sa 26.39% na improvement sa download speed mula nang magsimula ang Marcos administration noong July 2022.
Bahagya namang bumaba ang mobile median speed sa bansa kung saan naitala ang download speed na 24.59Mbps mula sa 25.12Mbps noong Disyembre.
Kumakatawan naman ito sa 9.05% na improvement sa download speed sa ilalim ng Marcos administration.
Ayon kay National Telecommunications Commission (NTC) Commissioner Ella Blanca Lopez, patuloy ang gagawing mga hakbang ng NTC upang mas mapabuti pa ang internet speed sa bansa
“The NTC shall constantly work for the steady improvement of internet speed as part of President Ferdinand R. Marcos, Jr.’s thrust to advance the country’s digital connectivity.” ani Lopez.
Inaasahan din ng NTC na sa napipintong operasyon ng “Starlink” sa bansa ay lalo pang bubuti ang internet speed.
Ang pagpapatupad ng streamlining at mas mabilis na pag-iisyu ng LGU permits simula noong July 2020 ang isa sa naging dahilan ng pagbuti ng internet service sa bansa.
Mas napabilis kasi ang pagtatayo ng infrastructure ng mga telco gaya ng cellular towers at fiber optic network na malaking bagay sa pagsasaayos ng connectivity. (DDC)