Pagpatay sa election officer sa Maguindanao kinondena ng Comelec
Mariing kinondena ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpagay sa isang election officer sa Maguindanao.
Si Maguindanao EO Haviv Maidan ay tinambangan sa Lambayog, Sultan Kudarat.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin M. Garcia nakikipag-ugnayan na sila sa mga otoridad para masigurong agad na mareresolba ang kaso.
Tiniyak din ni Garcia sa pamilya ni Maidan na tutulong ang Comelec sa kaso upang masigurong mabibigyang hustisya ang pagkasawi ng election officer.
Magbibigay din ng suporta ang Comelec sa pamilya ni Maidan.
Naulila ni Maidan ang kaniyang asawa at apat na anak.
Paalala ni Garcia sa mga kandidato, ang mga election officer ay mayroong mandato na gawin ang abot ng kanilang makakaya upang ipatupad ang election laws.
Ito ay para masiguro ang pagdaraos ng payapa at patas na eleksyon. (DDC)