Vice Gov. Mark Leviste bumiyahe patungong US para makasama si Kris Aquino sa kaniyang birthday
Bumiyahe patungong US si Batangas Vice Governor Mark Leviste para makaabot sa kaarawan ni Kris Aquino.
Usap-usapan tuloy ngayon sa social media kung mayroon bang namamagitan sa dalawa.
Sa video na ibinahagi ni Leviste, “you are so beautiful” ang unang mga salita na nasabi nito nang makita si Aquino.
Sa caption ng kaniyang video, isinaad ni Leviste na “Distance is just a test to see how far love can travel”.
Ito rin ang parehong quote sa post ni Aquino sa Instagram kamakailan kung saan inilarawan ang isang “determined man” na bumiyahe ng 13 oras para lamang makasama siya sa kaniyang birthday.
Feb. 14 ang ika-52nd birthday ni Aquino. (DDC)