2 forest fire naitala sa Bontoc, Mt. Province

Nakapagtala ng forest fires sa Bontoc, Mountain Province.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Bontoc, naitala ang unang sunog 4:40 ng hapon ng Martes (Feb. 14) sa Sitio Napu, Brgy. Bontoc Iloi.
Iniulat na contained na ang nasabing sunog dakong 7:40 ng gabi.
Gayunman, isang forest fire muli ang naitala sa bahagi naman ng Balitian sa Bontoc Ili.
Agad nag-deploy ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection sa nasabing lugar.
Patuloy pang inaalam kung ano ang naging sanhi ng pagsiklab ng apoy. (DDC)