Chinese Ambassador Huang Xilian ipinatawag sa Malakanyang kasunod ng panibagong insidente sa Ayungin Shoal

Chinese Ambassador Huang Xilian  ipinatawag sa Malakanyang kasunod ng panibagong insidente sa Ayungin Shoal

Ipinatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malakanyang si Chinese Ambassador Huang Xilian para pagpaliwanagin hinggil sa panibagong insidente na kinasangkutan ng Chinese Vessel sa Ayungin Shoal.

Ipinahayag ng pangulo ang kaniyang labis na pagkabahala sa nangyari na pagpapakita umano ng pagtaas at pagdalas ng mga aksyon ng China laban sa Philippine Coast Guard at sa mga mangingisdang Pinoy.

Ayon sa Presidential Communications Office, agad din namang nagtungo sa Malakanyang si Huang, Martes (Feb. 14) ng hapon.

Hindi pa inilalabas ng Palasyo kung ano ang naging detalye ng pagpupulong ng pangulo at ng Chinese Ambassador.

Una nang sinabi ng PCG na ginamitan sila ng military grade laser ng Chinese Coast Guard noong Feb. 6, 2023 na nagdulot ng temporary blindness sa mga crew ng BRP Malapascua. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *