Renewal ng rehistro ng sasakyan, puwede nang gawin online

Renewal ng rehistro ng sasakyan, puwede nang gawin online

Tatagal na lamang ng lima hanggang sampung minuto ang transaksyon sa pagpapa-renew ng rehistro ng sasakyan gamit ang online portal ng Land Transportation Office (LTO) o ang Land Transportation Management System (LTMS).

Inanunsyo ni LTO Chief Assistant Secretary Jose Arturo Tugade na simula Feb. 14, 2024 ay maaari nang makapagpa-renew ng rehistro ng sasakyan nang hindi kailangang pumila sa mga district office ng ahensya.

Magagawa na din ito kahit nasaan ng may-ari ng sasakyan basta’t mayroong internet connection.

Ayon kay Tugade, kinakailangan lamang na mayroong account sa LTMS upang sa online portal na maisagawa ang transaksyon.

Nilinaw naman ng LTO na kabilang sa mga maaaring makapagtransaksyon ng plain renewal ng rehistro ay ang mga mayroon nang rekord ng motor vehicle registration renewal gamit ang LTMS.

Kung wala pa sa LTMS ang detalye ng rehistro ng sasakyan, maaaring magtungo sa kahit saang LTO district office upang mismong ang mga tauhan na ng ahensya ang magtransaksyon sa online portal.

At sa susunod na taon na magre-renew ng rehistro ay lalabas na ang detalye ng sasakyan at pwede na ring gawing online ang pagpaparehistro.

Ipinaalala ni Tugade na bago ang transaksyon sa online ng pagpaparehistro ng sasakyan, kailangan munang kumuha ng Certificate of Coverage (COC) o insurance na pinili ng may-ari ng sasakyan; at naisalang na sa inspeksyon ng Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC). (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *