Seguridad para sa mga delegado ng 45th Diocesan Clergy of Mindanao Convention tiniyak ng Davao Oriental Provincial Govt.
Tiniyak ng Pamahalaang Panlalawigan ng Davao Oriental ang seguridad para sa pagdaraos ng 45th Diocesan Clergy of Mindanao Convention sa lalawigan.
Ang three-day event ay nagsimula ngayong araw, Feb. 14 at tatagal hanggang sa Feb. 16.
Binuhay ng Provincial Government ng Davao Oriental ang Incident Command System (ICS) para magtiyak ng seguridad ng mga lalahok sa pagtitipon.
Nabatid na 1,000 clergymen sa buong Mindanao ang kalahok sa convention.
Mahigit 100 security forces mula sa Philippine Army, Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, Philippine National Red Cross, at iba pang ahensya ang idineploy para siguruhin ang kaligtasan ng mga delegado. (DDC)