Libreng serbisyo sa CTC sa Pasay hanggang Pebrero 17

Libreng serbisyo sa CTC sa Pasay hanggang Pebrero 17

Bilang bahagi sa Buwan ng mga Puso kasabay ng Civil Registration Month ngayong buwan, naghandog ang Lokal na Pamahalaan ng Pasay City ng libreng serbisyo sa pagkuha ng certified true copy (CTC) para sa birth,death at marriage certificate simula Pebrero 13-17.

Ayon kay Local City Registry Office (LRCO)chief Romulo C. Tresvalles ginawa ang proyektong ito sa inisyatibo ni Mayor Emi Calixto-Rubiano.

“Bilang pakikiisa po sa Civil Registration Month ngayong Pebrero,magbibigay po ang ating lungsod ng libreng certified true copy ng birth, marriage,death certificates sa mga taga-Pasay,” sabi ni Tresvalles.

Hinikayat nito na magtungo sa city hall ang mga gustong kumuha ng CTC at magprisinta ng kaukulang identification o authorization letter kung hindi sila ang nakapangalan sa dokumento bilang pagtalima sa probisyon ng Republic Act 10173 o Data Privacy Act.

Iniulat n Tresvalles sa alkalde ang pagkakatala ng LCRO noong 2022 ng 13,328 na civil registry documents; nakapag-isyu ng 1,675 na marriage license; 15,260 ang naitala sa civil registry books; at nasa 9,683 ang kanilang naencode na data at ibang documentation para sa mas mabilis na data verification at retrieval.

Ipinagmalaki din nito ang mabilis na serbisyo ng LCRO sa pamamagitan ng mobile registration sa mga barangay at eskwelahan, gayundin ang aktibong paggamt ng social media platform kung saan 24/7 ang pagsagot sa mga katanungan at reklamo ng mga kumukuha ng dokumentasyon sa naturang tanggapan dahil ito sa patuloy na dedikasyon at paalala ni Mayor Rubiano na maglingkod ng tapat at higit sa sapat. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *